CHAPTER 19
Empty threats. Empty threats lang iyon.
Nakailang kumbinsi na yata si Chelary sa sarili na hindi naman tototohanin ni Riguel ang mga pinagsasabi nito kanina kahit halos mahimatay na siya.
“Ma’am, ikaw po pala,” wika ni Aling Petra nang mapasukan niya ito sa kusina. Katatapos lang nilang kumain ng dinner.
“Kumain na po kayo?”
Napasin niyang tapos na itong mahugas ng mga ginamit nila. Gusto niya sanang tumulong kaya lang ay hindi ito pumayag dahil baka raw masugatan pa