Chapter 17 (Part 2)
Umugong ang sports car ni Alejandro nang ihinto niya iyon sa gitna ng mala-gubat na likuran ng mansyon ng mga Weinstein. Dala ang kalibre kwarenta y singko, marahas siyang bumaba ng kotse at tuloy-tuloy sa maliit na cabin.
Ang malamlam na liwanag na nagmumula sa maliit na bombilya ang tanging nagbibigay liwanag sa loob. Tanging si Sebastian lamang ang lumingon nang padarag niyang binuksan ang pinto.
“Where’s the mother f-cker?” he hissed.