CHAPTER 14
“Mommy, there are cars outside the house,” wika ng kagigising pa lang na si Amber habang nakaluhod ito sa upuan at nakatingin sa labas.
Alas-syete na nang gabi nang makarating sila sa bahay ni Auntie Marigen. Bukas ang lahat ng ilaw ng bahay. Nasa anim na kotseng hindi pamilyar sa kanya ang nakaparada sa harap ng bahay.
“Oh em gee! It’s Lolo! It’s my Lolo!” sigaw ni Amber nang lumabas si Luigi sa front door. “Lolo Handsome in the world!!!”