CHAPTER 13 (PART 1)
Kusang sumimangot si Chelary habang pinapanood ang mag-ama na magkahawak-kamay na naglalakad sa mall. Patalun-talon pa si Amber na parang hindi umiyak kanina. Inalu-alo lang ni Riguel sandali—si Amber daw ang baby nito. Ang anak niya naman ay dakilang uto-uto na tumahan agad.
“Riguel, I like that!” sigaw ni Amber sabay turo sa naka-display na damit sa glass window ng isang boutique.
“Let’s get that.” Nilingon siya ng lalaki. “Come on, Mommy. Keep up.”
Kusang tumikwas ang kil