Chapter 10 (Part 3)
Nang tuluyan silang makalabas sa paliparan at binabaybay ang highway, pasulyap-sulyap siya sa lalaki. Hindi lang pala siya! Maging ito rin ay panay rin ang sulyap sa kanya. Isang beses na nagkasabayan sila ng tingin sa isa’t isa ay namula ang kanyang pisngi at nagbaba ng tingin. Nahihiya siya dahil nahuli siyang nakatingin dito.
Eh, ano ngayon? Di ba, tingin din ito ng tingin sa kanya. Mas mabuti pa nga siya at patago lang. Ito kasi ay titig talaga kung titig. H