Chapter 10 (Part 1)
Nakumpirma ang hinala niyang Gideon Vesarius nga ang buong pangalan ng ama ni Summer at kaibigan ni Alejandro. Nakita niya sa internet na CEO ito ng isang namamayagpag na airlines at hindi sundalo.
Ngunit bakit nasa listahan ang pangalan nito ng mga taong kasama sa operasyon?
“SK anak. Hinahanap ka ni Alejandro. Noong isang linggo pa pabalik-balik ang batang iyon dito. Hindi mo ba siya haharapin?” tanong ng Yaya Myrna niya nang bumaba siya