Hindi pa nila nahuhuli si Skylar at ngayon ay dumagdag pa ang sinaunang nakalalasong alupihan na ito sa mga nilalang nakailangan nilang tapusin.Hindi naging maganda ang mga bagay bagay sa mga sumunod na segundo.“Kayo riyan, halikayo rito!”Isang bagay ang pumasok sa isipan ni Chester. Dito na siya tumingin sa mga tao sa kaniyang paligid habang sinasabi na, “Magpadala kayo ng mga tauhan sa malalaking sekta ng Nine Mainlands para humingi ng tulong. Ikuwento ninyo sa kanila nang detalyado kung ano ang nangyari. Oo nga pala, magpadala rin kayo ng mga tauhan kina Senior Divine Famer. Dalian ninyo.”Hindi sumama sina Senior Divine Farmer sa hukbo nina Chester at Ambrose papunta sa Five Poison Sect. At sa halip ay hinayaan nila itong manatili sa likuran kasama nina Zhu Bajie, Chang Er at iba pa.Dahil wala si Darryl dito, ang naiwang si Senior Divine Farmer na lang ang natira nilang pagasa.Sabagay, nagkaroon pa rin ng titulong Medicine Ancestor si Senior Divine Farmer kaya malaki ang
Leer más