”Sa mga taong nahawaan—para na silang patay. Hindi kailangang mag-alala sa kanila.”
Tumango ang lahat sa mga sinabi ng lalaki.
Nakangiting nagsalita si Chester. “Mukhang maganda ang plano mo. Kung ganoon ay magsimula na tayong umaksyon.”
Marami sa mga matataas na miyembro ang magaling sa pagbuo ng iba’t ibang pormasyon. Malinaw na halos hindi magiging problema ang pag set up ng simpleng bitag.
Sa ilalim ng pamumuno ni Chester, mabilis na nagsimulang bumuo ng bitag ang mga sekta para sa entra