Napaatras na lang si Darryl ng isang sandali pero mabilis pa rin siyang nagpunta kay Ancient Ancestor. At noong makarating siya roon, hindi na niya naitago pa ang kaniyang pagkacurious habang nagtatanong ng, “Ano po ang maitutulong ko sa inyo, Ancient Ancestor?”Ipinasa naman sa kaniya ni Ancient Ancestor ang Devil Sealed Mirror bago seryosong sabihin na, “Darryl, dalhin mo ito sa pinakailalim na bahagi ng Ghost World sa sandaling makabalik ka na sa Nine Mainlands. Ituturo ko sa iyo ang spell na magseselyo rito. Tandaan mo, huwag na huwag kang magkakamali. Masyadong matindi ang pinsalang mangyayari sa sandaling makawala si Antigonus sa salaming iyan.”Huminga naman nang malalim si Darryl habang nararamdaman ang mabigat na pressure sa kaniyang dibdib. Hindi niya inasahang bibigyan siya ni Ancient Ancestor ng ganito kaimportanteng bagay.Hindi naman natuwa si Nine Heaven Emperor sa kaniyang narinig. “Master, hayaan niyo po akong magpadala ng ilang mga tauhan na sasama kay Darryl papun
Leer más