Naglakad paabante si Nuwa habang nakangiting sinasabi na, “Hindi mo kailangang magpanic junior. Kahit na buhay pa si Archfiend Antigonus, bakas na lang nito ang natitira kaya natural lang na humina ito nang husto. Sigurado naman ako na hinding hindi niya mapapabagsak ang Godly Region sa sandaling magkaisa tayong lahat.”
Naging kalmado at mahinahon ang kaniyang boses habang kumakalat ang nasa tama niyang aura sa buong Imperial Sky Palace.
Tumango naman dito nang husto si Nine Heaven Emperor at