“Ako—" Nanginig naman ang puso ni Zoey nang makita niya ang pagtingin sa kaniya ng lahat, dito na siya bumulong kay Quincy ng, “Hindi… hindi ko ito kayang gawin…” Kahit na si Darryl ang itinuturo ng mga ebidensyang nakita ng mga tao sa kaniyang paligid, hindi pa rin naniniwala si Zoey na magagawa ni Darryl ang ganitong bagay sa kaniya. Dito na biglang kumunot ang noo ng naiinis na si Quincy. “Naniniwala ka pa rin ba sa hayop na ito, Zoey?” “Malaki na ang tulong na naibigay mo sa kaniya pero nagawa pa rin niya ang bagay na ito sa iyo. Kaya bakit mo pa kailangang magpakita ng awa sa isang tao na kagaya niya?” Dito na parang nabuhusan ng malamig na tubig si Zoey, agad na makikita ang determinasyon sa kaniyang mga mata. Tama… Noong una ay binago ni Darryl ang kaniyang pangalan para sumali sa Jade Sect. Pero hindi pa rin siya sinisi ni Zoey nang malaman nito ang katotohanan at sa halip ay nagawa pa niya itong ipagtanggol. Pero, siya… Isang binhi ng hinanakit ang biglang tu
Leer más