Sinabi naman ni Weston na nakatayo sa tabi ni White Horse na, “Oo nga, dapat lang na magpaliwanag ka kay Zoey.” Tumingin sina Weston at White Horse sa isa’t isa nang palihin habang iniinsulto nila si Darryl. Dito na parehong nasabik ang dalawa sa mga nangyayari. Humingi na si Darryl ng tawad sa pagkakamali na kaniyang nagawa na nagresulta sa pagkatalo ng Dark Cloud City, pero mayroon pa ring tiyansa si Darryl na mapatawad sa insidenteng ito. Pero hindi na magiging ganito kadali ang paglilinis niya sa kaniyang pangalan sa sandaling humingi na siya ng tawad tungkol sa panggagahasa niya kay Zoey. Napahinga rito nang malalim si Darryl, hindi na niya naitago pa ang nanggigil niyang galit habang sumisigaw ng, “Inaamin ko na mayroon akong naging papel sa pagbagsak ng Dark Cloud City, pero hindi pa rin nito ibig sabihin na ako ang nanggahasa ka Zoey. Hinding hindi ako tatanggap ng parusa sa isang bagay na hindi ko naman ginawa.”Nabulunan na lang si Darryl sa tindi ng hinanakit na kaniy
Leer más