Mayroong biglang naisip si Tina, kinausap nito si Alan. “Master, masama ang ugali ng batang ito. Gusto niya akong mamatay…”Pagtapos ay ipinaliwanag nito ang kaniyang sitwasyon kay Alan.Natawa ang lahat ng mga alagad ng Ryukin Gold Altar. “Haha, sino ba siya sa tingin niya?”“Alam ng buong Ryukin Gold Altar ang tungkol sa sitwasyon ng ating kapatid. Isa pa, si Altar Master ang nagrekomenda sa paggamit ng coreopsis plant. Hindi ba’t malalaman ng master kapag mayroong ankatagong panganib?”“Tama. Sa tingin ko ay hindi alam ng batang ito kung ano ang kaniyang sinasabi. Paniguradong hindi siya masaya dahil hinarangan ng kaniyang ate ang daanan, kay ginamit niya ang pamamaraang ito para takutin ang babae.”Si Darryl ang naging sentro ng pangungutya at nagpakita ng may pagkamuhing ngiti si Alan.Nang sumunod na segundo, tiningnan ni Alan si Darryl at sinabing. “Bata, dahil isa kang bisita, wala akong gagawing kahit na ano sayo, pero gusto kong mag-iingat ka sa mga sasabihin mo sa susu
Leer más