Hindi mapakali si Darryl habang naghihintay itong samahan si Fang Mao, ayaw nitong madawit at maging magulo.Ngunit hindi siya maaaring maghintay lang at hayaang mahulog si Stella sa patibong ng mersenaryo. Isa pa, nakikita ni Darryl si Stella bilang isa sa piakamalalapit niyang kaibigan.Nagtipon ang mga tao para tingnan ang balat ng hayop na hawak ni Darryl. Hindi rin nakapagpigil sina Stella at ang Scope brothers para tingnan ito. Nakita nilang nawala ang mga guhit.‘So, peke ang balat ng tigreng ito?’Hindi maitago ni Stella ang kaniyang gulat habang namamangha itong nakatingin kay Darryl.‘Nakakamangha ang taong ito; madami siyang alam. Pero…bakit niya ako tinulungan?’ Napaisip ito.Tiningnan ni Darryl si Hans at nakangiti itong nagsalita. “Sa nakalipas na dalawang taon, maraming grupo ng mga mersenaryo ang naglipana sa Nine Continents para maglakbay sa Wild Deserted Secret Region, pero marami ring manloloko sa mga ito. Tama ang hula ko, hindi ka galing sa totoong grupo ng m
Leer más