Ang isang pigura na biglang lumitaw kay Jane ay isang nakakatakot na
manika na halos kalahati ang sukat sa isang normal na tao. Malokong
nakalabas ang ngipin ng manika at ang katawan niya ay dinesenyuhan ng
notang pangmusika.
"Ano ang bagay na ito??" sigaw ni Jane sa isip niya. Halos maiyak siya
sa takot.
Si Aino, na siyang may hawak ng manika ng may inosente at taas noong
ekspresyon ay tumingin sa kanya at tinanong, "Tita Jane,
natatakot...natatakot ka po ba?"
Sinubukan ni Jane ang abot ng k