Pagkarinig sa sigaw ng anak niya, nagulat si Sabrina at tumingin kay Aino, “Nasaan, baby?“
“Sa labas ng bintana.” May tinuro si Aino.
Tumingin si Sabrina sa tinuturo ni Aino. “Nasaan? Wala akong makita.”
“Mommy, malabo ang mga mata mo. Kailangan mong tumingin ng lagpas sa daan, sa likod nung puno. Tingnan mo may dalawang maliliit na black eyes doon.” Nakatingin pa rin si Aion sa lugar na yun. HIndi siya natatakot sa mga matang ito dahil may nararamdaman na warmth si Aino sa mga titig na ito.