Kaagad nagalit si Sabrina pagkarinig sa boses ni Selene.
Ang lahat ng pagkamuhi niya, pag-aalala niya sa nanay nya, at ang pagkapahiya niya nitong umaga ay nagsama-sama, kaya naman wala na siyang awang nararamdaman.
“Selene, sabihin mo lang sa akin kung ayaw mo ng mabuhay. Sisiguraduhin ko na magdudusa ka sa pagkamatay mo!”
“Haha!” Pagkarinig nito, nagsimulang humalakhak si Selene. “Sabrina, ang tanging rason lang naman kung bakit ako nabubuhay ay para talunin ka! Hayaan mong sabihin ko ito s