Sobrang natakot si Selene sa sinabi ni Sebastian sa lolo niya dahil sa lahat ng tao, siya ang pinaka nakakaalam kung anong kayang gawin ni Sebastian…Hindi man ito matawag na kriminal dahil hindi naman talaga ito pumapatay, pero sapat na ang isang salita nito para lumubog at mamatay ang isang tao. Ang simpleng “HINDI” na kabibitaw lang nito ang nagsisimbolo kung gaano nito kinamumuhian ang pamilya niya…
“Lolo…may…may sasabihin po ako…” Natatakot na sabat ni Selene.
“Ano?!” Naguguluhang sagot ni