Kung hindi naman pala nawala yung camera, hindi niya na kailangan yung perang hiniram niya kay Nigel.
"So...Wala po akong kailangan bayaran?" Masayang tinanong ni Sabrina.
"Wala, kahit yung bayad sa arkila," sabi ni Master Tong.
"Salamat, salamat po, maraming salamat po. Pwede...pwede na po akong umalis?" kinumpirma ulit ni Sabrina.
"Oo naman, Miss Scott."
Nagbuntong hininga nang mahaba si Sabrina dahil sa kaginhawaan at lumabas na siya ng Leasing Center, pakiramdam niya ay naiwan niya na l