"Alam ko yan, at wala rin akong balak!" kalmadong sagot ni Sabrina. Tumalikod siya nang hindi tumitingin kay Sebastian at diretso ng pumunta pabalik sa ward.
Wala siyang kahit anong utang kay Sebastian. Pinahiram man siya nito ng $50,000 USD pero mababayaran niya din yun pagtapos ng kontrata nila. Kahit na niligtas niya nung minsan ang buhay ni Sabrina sa mga kidnapper, ginawa niya lang naman yun para sa nanay niya.
Hindi niya na kailangang mag sunud-sunuran pa sa harap niya, dahil alam niya n