Pero, sa anim na taon na yun, hindi man lang nilambing ni Nigel si Mindy.
Kahit isa siyang lalaki na ginugugol ang kanyang mga gabi kasama ang sangkaterbang mga babae, ni minsan ay hindi niya nailapat ang kanyang daliri kay Mindy. Naisip niya na maaaring ito ay dahil marami na siyang nakitang magaganda sa labas, at sa dami ng iba't ibang karanasan niya kasama sila.
Pero, inakala ni Mindy na ito ay mabuting bagay. Naniwala na rin kasi siya na kung hindi interesado si Nigel sa kanya, hindi rin