Pero may mga tao pa din sa karamihan na nasa labas ng opisina na tiningnan ang sitwasyon sa ibang pananaw.
"Nako, nakakamatay talaga ang chismis sa panahon ngayon!"
"Di ba? Medyo naaawa kasi ako sa Sabrinang yan, hindi naman sobrang laking bagay na nanganak siya bago pa siya ikasal."
"Sa tingin ko din hindi naman siya talaga masamang tao. Lagi siyang kinukulit ni Master Ryan simula nung una pero kahit kailan hindi siya pumatol sa kanya."
"Ngayon sinasabi naman nila na binenta niya ang sarili