Pagkatapos pag-isipan ito, baka nga mas bagay sa kanya ang trabaho sa isang construction site bilang technician o iba pang posisyon.
Siguro nga marumi at buwis buhay ang trabahong ito pero alam niyang malinis ang mga tao dito.
Nagdesisyon si Sabrina sadyain ang iba't ibang mga construction site sa loob ng siyudad bukas.
Nung kinaumagahan, hindi niya sinabi kay Sebastian na mawawalan na siya ng trabaho o kahit ang plano niya na maghanap ng ibang trabaho. Ayaw ni Sabrina na tanungin siya nito n