"Oo, ayos lang yan. Wala namang problema dahil hindi naman yan lumalabag sa isyu na pampribado. Pinapanood mo lang naman ang CCTV recording ng desk mo, kaya walang mali sa ginagawa mo," magalang na sinabi ng isang gwardya at tumango ang iba bilang pagsang-ayon dito.
Sa paraang ito, nakuha kaagad nila ang video recording. Ni-rewind ni Sabrina ang video doon sa oras na nandun siya sa Human Resources. Nakita niya agad ang taong pinaghihinalaan niya sa loob ng sampung minuto lang na pagtutok sa vid