Dumating ang sasakyan ni Nigel sa harapan ni Sabrina, “Sabrina, sakay ka na. Pabalik na ako, hatid na kita.”
Tiningnan ni Sabrina ang marumi niyang sarili, umiling siya at ngumiti. “Hindi na. Hintayin ko nalang ang bus.”
“Gabing gabi na. Wala nang dadaan na bus dito, kung meron man, baka nasa ibang lugar na ‘yon. Hindi kita iiwanan dito maliban kung tatawag ka ng taxi.”
Tatawag ng taxi?
Wala nang pera si Sabrina.
“Sumakay ka na.” binuksan ni Nigel ang pintuan para kay Sabrina, sumakay na si