Nagsimulang pumalakpak si Aino at masayang tumalon talon. "Wow, auntie, hindi ka naman maganda dati, pero pagkatapos mong isuot ang green turtle hat na yan, biglang gumanda ang itsura mo! Bagay din talaga sayong tawagin na manloloko!"
Galit na nagsalita si Selene,"Anong. Sinabi. Mo!"
Sa pagtingin palang sa mga reaksyon ng mga taong nakatayo sa paligid niya, alam niya na hindi maganda ang nilagay ng kasuklam suklam na bastardong anak na ito sa ulo niya.
Pero dahil maraming tao ang dumalo dito