“Sabihin mo sakin, bakit mo hinahanap si Sebastian? Ano bang nangyari?”
Hindi pamilyar si Marcus kay Sabrina pero ramdam niya na may relasyon siya sa Tita niya noong nakita niya ito.
Nararamdaman ni Marcus hanggang sa buto niya na pinsan niya si Sabrina. Sa relasyon na ‘yon, kahit na ilang beses niya palang itong nakikita, hindi niya ‘to pwedeng sukuan. Hindi maintindihan ni Marcus kung bakit ganoon ang Lolo niya. Blood is thicker than water, bakit hindi ito maramdaman ng Lolo niya? Naramdaman