Sumasang ayon siya sa hiyawan ng mga bisita nila dahil tunay ngang napaka ganda ng kanyang bride. Para sa mga hindi nakakaalam, mahirap paniwalaan na nasa forty na ito dahil sa taglay nitong ganda, ngunit malaki rin ang ambag ng mga pinagdaanan nito sa buhay para mas lalo pa itong gumanda.
Bagay na bagay sa mukha at hubog ng katawan ni Hana ang wedding dress na suot niya. Simple lang ang design nito ngunit sobrang elegante. Sobrang haba nito kaya para siyang diwata noong naglakas siya. Napaka