Balak din sanang bigyan ni Zayn ang kapatid niya, pero medyo nag alangan siya. Paano kung marami pala ang maging mga anak ng kapatid niya? Paano kapag nadagdagan pa ang mga anak ni Sabrina? Syempre hindi niya naman pwedeng hindi mabigyan ang iba niya pang mga pamangkin. Habang nasa kalagitnaan ng pagmumuni-muni kung kani-kanino niya hahatiin ang kanyang mga ari-arian, hindi niya namalayan na nakatulog na pala siya.
Maaga siyang nagising kinabukasan. Maganda ang gising niya kaya kumpara kahapon