Sobrang nasaktan siya noong araw na yun. Sampung taon silang nagsama! Lahat ng gusto nito ay ginawa niya at mas naalagaan niya pa nga ito kaysa sa sarili niyang apo. Sobra ba ang hinihingi niya? Tuition fee lang para sa apo niya noong taong yun dahil wala siyang sariling pera! Okay na sana kung tumanggi lang ito eh, pero ininsulto pa siya nito at pinagbubugbog sa harapan mismo ng mga kapwa nito retiradong guro. Higit sa lahat, pinalayas siya nito at pinatira sa tinutuluyan ng mga katulong.
“K