“Siguro mali lang yung tono ng pagkakasabi ko, pero ang gusto kong ipunto ay sobrang naawa ako sayo noong napanuod ko yun at mula nun ay hinangaan kita kahit pa mas matanda ako sayo. Maniwala ka man o hindi, ikaw ang naging inspirasyon ko noon para iwanan si Hector.”
Hindi nakapag salita si Sabrina. Hindi niya inakala na ganun pala ang ibig sabihin ni Hana. Bakit ba minasama niya ito kaagad?
Nagpatuloy si Hana, “Ayaw ko na sanang sabihin ‘to sayo kasi buntis ka ngayon at baka masisi mo pa ako