Nagulat din si Hector, pero bandang huli ay ngumiti nalang din siya kay Zayn, “Iho, kilala mo ba ako? Ah alam ko na! Siguro isa ka sa mga naging suki ko no? Hindi ko akalain na ikaw ang magiging son-in-law ko, pero isa lang ang masasabi ko, ang galing mong pumili ah! Marami talagang nagkakagusto dito sa anak ko dahil bukod sa napaka ganda na, grumaduate din siya sa isang magandang university at ngayon naman ay nagtatrabaho na siya sa pinaka malaking company sa South City!”
“Mister Caven, ako p