Halos malaglag ang panga ni Zayn sa sobrang gulat nang makita niya ang babaeng tinuturo ni Aino dahil bukod sa sira-sira ang damit nito, gulo-gulo rin ang buhok nito. Kapansin-pansin din na sobrang payat at maputi na ang buhok nito kaya siguro nasa kawarenta o higit na ang edad nito. ‘Ano ba yang babaeng yan? Taga walis? Pero hindi naman siya naka uniform. Bakit siya nakaupo sa gilid ng kalsada? Pulubi ba siya?’ Tanong ni Zayn sa sarili niya.
Mababa ang loob ni Zayn sa mga pulubi dahil may pun