Ang babaeng minahal niya ng sobra ay sobrang tina-trato ang mga tira-tira mula sa maliit na restaurant na parang mamahaling pagkain... 'Di ba tinatapon na dapat ang mga 'yon? Sumakit ang puso ni Alex at ang pinaka-nasaktan siya ay nang makita ang ekspresyon ni Jane habang nakatingin kay Noah. Ang mga mata niya ay puno ng kuntento, kasiyahan, at walang hanggang pagmamahal sa lalaking 'yon.
'Ang babaeng 'to! Nawalay lang siya sa akin ng apat na buwan! Apat na buwan lang, at nahulog na siya sa ib