Natawa nalang si Marcus. “Ang talino mo talaga, Sabbie..”
“Hindi naman kasi yun big deal. Matagal na kayong nagtuturingan na magkakamag anak kaya normal lang na bisitahin niya kayo kasi kayo na ang pamilya niya.. Pero okay lang ba insan na wag mo ng banggitin ‘to kay Mommy?”
“Kahit na sinasabi ni Mommy na wala siyang pakielam sa Lolo at sa Daddy mo, sa tingin ko masasaktan pa rin siya kapag naalala niya na mas minahal pa nila yung hindi nila kaano-ano kaysa sakanya.”
“Alam ko…Isa ako sa mga