Ngumiti si Alex. “Sa tapang mong yan, naniniwala ka pala sa multo.”
Hindi makapaniwala si Sabrina sa Alex na nakita niya. Sobrang haba na ng balbas nito, hindi maganda ang amoy at sobrang gulo ng buhok. Malayong malayo sa Alex na kilala niya! “Kalahating buwan ka bang hindi naligo?”
“Isang linggo lang ata?” Sagot ni Alex.
Nagulat si Sabrina.
“HIndi pa ako naliligo, natutulog, nagsheshave ng isang linggo…Hin..hindi pa rin ako nag tutooth brush.” Natatawang sagot ni Alex.
Kaya biglang ti