Kabanata 1220
Noong nakita ni Garrett kung gaano nakakunot ang noo ng amo niya, lalo siyang napanatag na tama ang desisyong ginawa niya dahil mas naging sigurado siya na sasaktan lang nito si Jane.

Wala siya sa posisyon para humusga, pero magkahalong inis at pag hanga ang naramdaman niya. Inis dahil paano nito nakakayang maging ganito kasama sa isang babaeng walang kalaban-laban, at paghanga naman na kahit isang dekada na ang lumipas, hindi pa rin nabago ang pagmamahal nito para kay Lily.

‘Kung sa loob ng mga lumipas na taon at isang babae lang ang minahal niya, ibig sabihin mabuti siyang tao, siguro nasagad lang din talaga siya ni Jane kaya umabot sa ganito…’

Habang mas iniisip ni Garrett si Jane, mas lalo siyang naawa rito. “Master Alex, baka nandoon pa sila sa baryo na una nating pinuntahan? Ang sabi kasi ng doktor, imposibleng makalayo sila sa sitwasyon niya. Bumalik kaya tayo?.”

Sobrang laki ng tiwala ni Alex kay Garrett at wala siyang naramdaman na bahid ng kahit anong pagdududa. “Tara.
Sigue leyendo este libro gratis
Escanea el código para descargar la APP
Explora y lee buenas novelas sin costo
Miles de novelas gratis en BueNovela. ¡Descarga y lee en cualquier momento!
Lee libros gratis en la app
Escanea el código para leer en la APP