Kabanata 1206
Sa tantsa niya, wala pang dalawampung taong gulang ang mga ito. Kung tama ang pagkakaalala niya, kasama nila ang mga ito noong pinapaalis nila si Lily kanina. Bakit kaya hindi niya painumin ng tubig muna ang dalawang kabataang ito?

Nakangiting lumapit si Sabrina sa dalawang binatilyo na nakasuot ng pang hip-hop na damit.

“Hello, mga bata.” Kumpara noong nasa loob siya, medyo mas lumamig na ang ulo niya ngayon.

Isa sa mga binatilyo ay masayang ngumiti, “Miss, ilang taon lang naman ang agwat mo sa amin diba? Mga nasa apat na taon lang?”

Nang marinig ni Sabrina ang papuri nito, lalo ng nawala ang init ng kanyang ulo.

‘Totoo nga na kahinaan ng isang babae ang papuri ng iba.’

‘Isa pa, sino ba namang hindi bibigay kung ganito ka hot ang ngingiti sayo?!’

Pinilit ni Sabrina na wag magpahalatang kinikilig at seryosong sumagot, “Siguro pero may anak na akong mag sisix years old. Para na kayong kuya ng anak ko at higit sa lahat, kung pagsasaka lang ang pag uusapan, di hamak na mas magali
Sigue leyendo este libro gratis
Escanea el código para descargar la APP
Explora y lee buenas novelas sin costo
Miles de novelas gratis en BueNovela. ¡Descarga y lee en cualquier momento!
Lee libros gratis en la app
Escanea el código para leer en la APP