Lumingon si Lily sa lalaki. Sigurado siya na hindi niya pa ito nakikita kahit kailan.
“Sino ka?!” Mayabang na tanong ni Lily.
Pero walang planong magpasindak ang lalaki. “Wala ka ng pakielam dun.”
Tumawa ng malakas si Lily at pasigaw na sumagot, “Bobo ka ba?! Kahit na hindi mo sabihin sa akin kung sino, alam ko na kaibigan mo si Sabrina! Balita ko kalat na kalat ang mabahong hininga nung babaeng yun sa buong South City! Kaya hindi na ako nagtataka kung bakit ang tindi ng polusyon dito…”
Per