Muntik ng matanggal ang ngipin sa harap.
Hindi niya rin alam kung paano siya nakauwi noong gabing yun, pero malinaw sakanya na galit siya sa nanay niya. Galit na galit.
“Anak, may problema ba? Anong nangyari?” Sobrang nalungkot si Goldie nang makita ang nangyari sa anak.
“Saan mo nakuha yang mga sugat mo? Nadapa ka ba? O may bumugbog sayo? Sabihin mo sa akin! Sinong gumawa niyan sayo?! Hindi ko ‘to pwedeng palampasin!”
“Yung lalaki mo! Yung taong tinatawag kong tatay! Siya ang gumawa nito!”