Sabi ni Sebastian, "Inutusan mo ba lahat ng mga reporter na 'yon?"
Sa kabilang linya, matapat na inamin agad ito ni Old Master Shaw, "Tama ka, Sebastian. Takot sila sa'yo, pero depende pa rin ito kung sino ang nasa likod nila. Ako ang sumu-suporta sa kanila ngayon. Isipin mo 'to, simula 'nong bumalik ka mula sa Star Island, sino ang hindi nakakaalam sa South City na ako ang kasangga mo?"
"Tsaka, sino pa ang hindi nakakaalam na imposible para sa'yo, Sebastian, na ilapat ang mga kamay mo sa akin