Kasalukuyang nagpapaultrasound si Avery sa isang liblib na ospital.
“Malulusog ang mga baby mo… Kapag nag five months ka na, kailangan mong mag anomaly scan,” masayang sabi ng doktor.
“Salamat po, Doc.” Nakangiting sagot ni Avery, na parang nabunitan ng tinik sa dibdib.
“Wala yun! Sobrang close kami ng mommy mo noong nag’aaral pa kami,” Sagot ng doctor habang inaabot kay Avery ang kopya ng ultrasound scan niya. “Nabanggit niya sakin na ayaw daw sa kambal ng tatay nila, kaya dumayo ka pa d