Pagkatapos tingnan ang resulta ng test, sabi ng doktor, "Mayroon siyang bacterial infection. Bibigyan kita ng reseta para sa anak mo."
"Sige, Dok. Hindi naman ito masyadong nakakabahala, 'no?" tanong ni Shelly.
"Tingnan natin kung ano'ng mangyayari pagkatapos niyang inumin ang gamot. Kung lalakas pa ang ubo, bumalik ka rito para sa mas masusing check-up." Sinimulan ng doktor na isulat ang bagong reseta.
Tumingin si Shelly sa anak niya, na parang okay na ulit, at tahimik na ipinagdasal na sana