[Wala ka talagang ka-alam alam sa pakikipag date, ano?] text ni Layla.
[Eh gusto niya raw na magpashampoo kaya dapat ba pinigilan ko siya?] Sumagot si Hayden.
[...Sige na nga! Hahaha! Kayong dalawa, ang weweird niyo parehas!]
[Kung sinabi mo sa kanya na darating ako, Edi sana nagshampoo siya bago magpunta sa concert.] Komento ni Hayden.
[Hahahaha! Okay kasalanan ko na! ‘Di ko naman inasahang mamasyal pa kayo pagkatapos ng concert! Hayden, ayaw mo ng may kasamang babae diba? Bakit ka pumayag?]
Wala naman akong problema kay Shelly.]
[Hahaha!]
Nakatitig si Hayden sa message ni Layla at nagmukhang irritated.
Makalipas ang ilang minuto, nakatanggap siya ng isa pang message mula rito. [Hayden, dalhin mo siya sa mall pagkatapos. Bumili kayo ng mga damit, skin care products o mga alahas. Kung ano naman ang mga type namin ni Mommy, siguradong type niya rin!]
[Nagkakamali ka ng iniisip. Magkaibigan lang kami] Reply ni Hayden.
[Hindi naman gumagawa ng anak ang mga mag kaibigan lang. P