Kabanata 2885
Bandang 9:30 ng gabi, nagsimula na ang fireworks.

Napuno ng iba’t-ibang kulay ang madilim na kalangitan kaya nagsilabasan ang lahat para magpapicture.

Sa sobrang ganda ng mga fireworks, hindi napigilan ni Ivy na maiyak.

Hindi niya maiwasang alalahanin ang mga pinagdaanan niya noon. Naalala niya yung taon na dinala siya ng lola niya sa city para manood ng malaking fireworks display. Sa kalagitnaan ng show, nawala yung wallet ng lola niya kaya wala silang pambayad sa bus pauwi.

Sobrang lamig noong gabngi yun, tapos tatlong oras silang naglakad pauwi.

Madaming alaala si Ivy ng kahirapan at malamig na panahon. Kahit na sinusubukan niya ng mag move on, minsan hindi talaga maiwasang bumalik balik pa rin siya sa mga alaalang iyon.

Pagsapit ng hatinggabi, simula na ng bagong taon.

Natapos na nila ang pagpapaputok ng fireworks pero doon palang nagsimula ang mga kapitbahay nila.

Sunud-sunod ang maiingay na tunog ng fireworks, na ayon sa mga paniniwala ay nagpapahiwatig ng pag-asa ng mg
Sigue leyendo este libro gratis
Escanea el código para descargar la APP
Explora y lee buenas novelas sin costo
Miles de novelas gratis en BueNovela. ¡Descarga y lee en cualquier momento!
Lee libros gratis en la app
Escanea el código para leer en la APP