Agad nawalan ng gana si Ivy ma kumain nang makita niya ang higit sa dalawampung ulam sa mesa.
Ito na siguro ang pinakabongga na handaan na napuntahan niya, lahat ng masasarap na pagkain na maisip niya ay nandito na.
May mga ulam ngayon niya lang nakita, pero buti na lang, may mga kusinero na nakapalibot sakanila para magpaliwanag ng bawat recipe.
"Ivy, bakit hindi ka kumakain? Hindi mo ba gusto yung mga pagkain?" bulong ni Layla.
"Sobrang dami kasi. Hindi ko alam kung saan ako magsisimula."