Kahit naman hindi sabihin sakanya ni Harry, yun din talaga ang gagawin ni Ivy.
"Halika dito. May ituturo ako sayo na ilang tricks," sabi ni Harry habang kinukuha ang ballpen mula sa bulsa nito, "Tandaan mo ang mga importanteng pangalan at numero, at praktisin mo ang mga salita na nahihirapan kang bigkasin..."
Hindi ito ang unang beses na narinig niya ang payong ito muyla kay Harry dahil isa yun sa mga nakasulat sa material na binigay sakanya nito dati.
“Ang pinaka mahalaga ay dapat matuto k