”Opo, Daddy! Nasabi ko na rin po ito kay Robert. Alam kong nag-aalala ka tungkol sa night shift, pero hindi ko naman po ito nakikita na problema, kaya hindi dapat itonmaging hadlang sa pangarap ko.. Pwede naman po akong matulog sa araw at magtrabaho sa gabi."
Nagpasya na si Ivy na tanggapin ang internship at naramdaman naman ni Elliot ang determinasyon sa boses nito, kaya alam niyang wala na siyang magagawa. Kapag sinabi niya kay Ivy na hindi siya sang ayon sa internship, alam niya na susundin