"Robert, mas conservative ka pa pala kaysa sa iniisip ko." Tuwang-tuwa si Ivy sa nangyari pero hindi niya kayang tumawa dahil sa kahihiyan na nakikita sa mukha ni Robert.
Napakamot nalang si Robert ng kanyang ulo sa sobrang ilang.
“Ibig sabihin, lahat ng mga kaibigan mo ay ganyan ka conservative?” Konklusyon ni Ivy. “Edi maganda! Ibig sabihin, mabubuti silang impluwensya sayo.”
Mas nahihiya si Robert kaysa napipikon sa pang aasar sakanya ni Ivy.
“Ano ka ba! SI Daddy mismo ang naghanap ng