Para sakanya, wala naman talaga sa pagkakaroon ng asawa ang tunay na kaligahayan kaya kung saan masaya si Hayden, susuporta lang siya.
"Daddy, hindi ko talaga maintindihan kung bakit gustong gusto ng mga magulang na magpakasal ang mga anak nila," tanong ni Ivy.
"Hindi ko alam ang dahilan ng ibang mga magulang, pero para sa akin, gustong mag asawa kayo dahil gusto kong maranasan niyo yung saya na naranasan ko mula nang makilala ko ang Mommy niyo. Masasabi ko na sumaya ako ng di hamak mula noon